MAGSASAKA UMAARAY NA SA P12 PER KILO NG PALAY

farm19

(NI BERNARD TAGUINOD)

NASASAKTAN na nang husto ang mga magsasaka sa Rice Tariffication Law matapos mapako sa P12 ang bilihan ng bawat kilo ng palay kahit kakaunti ang supply dahil sa El Nino.

Ayon kay Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao, karaniwang tumataas ang farmgate price ng palay kapag kokonti ang supply subalit ngayon ay napapako na umano ito sa P12 dahil sa nasabing batas na nagbigay ng otoridad sa mga rice traders na mag-angkat ng bigas na walang limitasyon.

Maliban dito, mayroon umano sa mga rice traders ang bumibili ng mas mababa sa P12 kada kilo kaya itinuturing ng mambabatas na kalbaryo ng mga magsasaka ang nasabing batas.

Dahil dito , nangangamba si Casilao na mawawalan na ng gana ang mga magsasaka na magtanim ng palay dahil halos puhunan na lamang umano ang nabibili.

 NAGLOLOKOHAN NA SA PRESYO NG BIGAS

“Bureaucrat capitalists in the administration are jumping for joy for the enactment of this law, at the cost of throwing the future and livelihood of millions of farmers in the country into oblivion,” ani Casilao.

Ito ay dahil sa  ipinagmamalaki ng gobyerno na bababa ang presyo ng bigas dahil sa batas na ito, subalit kabaligtaran aniya ang nangyayari dahil sa katotohanan ay mas mataas na presyo nito kumpara noong wala pa ang rice tariffication law.

Ipinaliwanag ni Casilao na noong ang presyo ng palay ang P18.87 hanggang P20 kada kilos ay P44.22 ang presyo ng well-milled habang  P40.02 ang  regular-milled rice kada kilo.

Gayunpaman, kahit P12 kada kilo na lang ang presyo ng palay, umaabot pa rin umano sa P43.46 ang well-milled rice habang P39.74 kada kilo naman ang regular milled rice.

 

 

223

Related posts

Leave a Comment