SA ALINDOG NI ANDREA, BAKURAN KAYA SI DEREK NG GF N’YA?

ANDREA12

EXPRESS LOGO copy(NI RONALD M. RAFER)

NAG-UUMAPAW ang chemistry nina Derek Ramsay at Andrea Torres sa ipinakitang summer plug ng pagsasamahan nilang teleserye, ang “The Better Woman.”  Ganoon din sa litrato ng dalawa na ipinost ng GMA-7.

Dahil sa lumabas ng larawan, uminit ang request ng mga fans na madaliin na ang kanilang teleserye. Kahit ang direktor nila na si Mark dela Cruz ay excited na rin sa taping nila.

Pinagsabihan ng mga fans si Derek na mag-ingat kay Andrea at baka ma-fall kahit may GF na ito. Hindi nga ba’t sumugod si Marian Rivera sa taping ng asawang si Dingdong Dantes kung saan kapareha niya si Andrea dahil na-insecure daw ito sa kagandahan at alindog ni Andrea? Super bantay si Marian kasama ang anak na si Zia. Kahit nga si Dingdong daw ay nagulat sa biglaang pagbisitang iyon ni Marian.

Kakaiba ang alindog ni Andrea, huh! Hindi kaya ang GF naman ni Derek ang magbantay sa set? Hahaha!

Anyway, malapit nang umpisahan ang teleserye na magpapainit daw ng inyong mga gabi. Pak!

119

Related posts

Leave a Comment