Maharlika ‘di kinagat ng 51% Pinoy DIOKNO BUTATA NA HUMIHIRIT PA

SA kabila ng matabang na pagtanggap sa Maharlika Fund ng halos kalahati sa mamamayang Pinoy, walang planong isuko ni Finance Secretary Benjamin Diokno ang pagsusulong nito.

Katunayan, handa umano siyang malagay sa “hot seat” para ipaliwanag sa publiko ang panukalang sovereign wealth fund.

Base kasi sa resulta ng pinakabagong survey ng Social Weather Station (SWS) na inilabas noong nakaraang Huwebes, karamihan sa mga Pilipino ang nagsabing maliit o halos wala silang inaasahang benepisyo mula sa panukalang Maharlika Investment Fund (MIF).

Naitala sa resulta ng survey na 51% ng mga Pilipino ang naniniwalang walang makukuhang benepisyo mula sa MIF habang 46 percent naman ang umaasa ng malaking benepisyo.

Lumabas din sa survey na 31 percent ng mga respondent ang tiwalang hindi mauuwi sa korapsyon ang MIF habang 29 percent ang hindi masyadong tiwala rito.

Ayon pa sa SWS, 47 percent ng mga Pilipino ang halos wala o walang kaalaman tungkol sa MIF.

Hindi naman nagulat si Diokno sa pag-amin ng mga respondent na hindi naiintindihan ng mga ito ang MIF.

“Mabuti naman na ina-admit na di nila maintindihan. Mahirap siya intindihin. I suggest now that it’s available, you read it,” ani Diokno sabay sabing “I’m willing to be interviewed in-depth… kahit ilang oras.”

Sinabi pa nito na “there’s so much distrust” from the public concerning the MIF, “but we can live with it.”

Samantala, nabanggit ni Diokno na posibleng lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang MIF bill sa susunod na linggo.

Nasa final stage naman ang paglikha sa implementing rules and regulations (IRR) para rito. (CHRISTIAN DALE)

36

Related posts

Leave a Comment