MAITENANCE SA PATROL CARS NG MGA PULIS KAILANGAN NA

Ni BERNARD TAGUINOD

Hinimok ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang Philippine National Police (PNP) na kumuha na ng mas maraming driver-mechanics para mag-ayos sa kanilang mga patrol cars na madaling nasisira dahil walang maintenance.

Ginawa ni House majority leader Rolando Andaya Jr., ang panawagan sa PNP upang tumagal umano ang mga patrol cars na binibili ng mga ito o kaya ay ibinigay sa kanila ng mga local government.

“Ang perception kasi ng tao mukhang mabilis malaspag ang mga sasakyan na binili ng PNP o binigay sa kanila. Bakit ang kotse ginawang taxi or van na pinamasada, na mas mahaba pa ang tinakbo, mas tumatagal kesa doon sa pag-aari ng ating pulisya?,” ani Andaya.

Sa ngayon ay mayroon 15,170 sasakyan ang PNP subalit madalas na nasisira agad ang mga ito dahil walang maintenance at ang marami din sa mga ito ay tumatakbo na kakarag-karag.

Kinabibilangan ito ng 7,083 patrol cars at jeeps, 4,683 motorcycles, 301 buses, 680 trucks and personnel carriers, 287 specialized vehicles.

“Isa pa ito. Kailangan ma-distinguish kung ilan ang sira, hindi na tumatakbo. Updated at kung pwede in real time ang report kasi malaking pondo ang nasasayang kung paglalaanan pa ng gas budget ang mga sasakyang hindi na tumatako, “ ani Andaya.

Isinisi ng mambabatas ito sa kawalan ng maayos na maintenance ng mga sasakyan at upang magamit umano ng mga pulis ang kanilang mga sasakyan ng matagal ay kailangang kumuha na ang PNP ng driver-maintenance.

“Plan to prolong the life” of police vehicles should be one of the “urgent tasks” of the present PNP leadership,” ani Andaya.

Nabatid na ang PNP ay mayroon 11,678 Non-Uniform Personnel (NUP) sa kanilang plantilla subalit 1,648 dito ay hindi pinupunan kaya iginiit ni Andaya na gamitin ang bakanteng posisyon na ito para kumuha ng mga driver-mechanics.

“Sila yung tinatawag na force-maximizer. With the right training, hindi lang pwede magmaneho, pwede pa sa basic maintenance, o troubleshooting. Kung park-and-drive ang nagagawa ng mga pulis dahil busy sila sa ibang bagay, di kumuha tayo ng mga taong naka-focus sa mga sasakyan,” ayon sa mambabatas.

188

Related posts

Leave a Comment