MALAKANYANG DISMAYADO SA ‘DI PUMASANG P3.575-T BADYET

DUTERTE-PANELO

IKINADISMAYA nang todo ng Malakanyang ang paglagpak ng mungkahing P3.757 trilyong badyet ng administrasyong Duterte para sa susunod na taon. Ani Presidential Spokesman Salvador Panelo, inaasahan niyang malungkot si Pangulong Rodrigo Duterte dahil hindi naipasa ang panukalang badyet bago matapos ang taon. Idiniin ni Panelo na maaga namang nagpasa si Duterte sa Mababang Kapulungan ng Kongreso mungkahing badyet para sa susunod na taon, ngunit lagpak ito sa Senado. Naiakyat ng mababang kapulungan ang badyet nitong unang linggo ng Disyembre. Pagkatapos nito, ibinulgar ni Senador Panfilo Lacson ang bilyun-bilyong pork barrel na isiningit sa mga distrito ng mga kongresista. Una niyang isiniwalat ang P2.4 bilyong pork barrel ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo para sa Pampanga. Pagkatapos ay ang P1.9 bilyong pork ni Majority leader Rolando Andaya Jr. para sa Camarines Sur. Dahil dito, sumabog na sa media ang nagkalat na pork barrel sa iba pang kongresista at mga ahensiya ng pamahalaan. Idiniin ng mga senador na hindi nila maipapasa ang panukalang badyet dahil kapos na kapos ang panahon upang busisiin pa ang napakaraming item ng badyet.

5

Related posts

Leave a Comment