MALAKANYANG NANINDIGAN SA SAFETY NG MODERN JEEPNEYS

malacanang

MAS ligtas gamitin ang modern jeepney kumpara sa tradisyunal na pampasaherong jeep.

Nitong Lunes ay umarangkada na ang mga modernized jeepney sa ilang ruta sa Metro Manila.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, bago pinayagang lumabas sa lansangan ang mga modern jeep ay pinag-aralan itong mabuti ng Inter-Agency Task Force (IATF).

“Safe, kasi nakaupo lang sila sa isang direksiyon, at lahat nakaharap lamang at mayroong social distancing para rin po ‘yan bus,” ani Sec. Roque.

Kinuwestiyon ni Sec. Roque ang pahayag ng IBON Foundation na mapanganib ang paggamit ng modern jeep dahil kulob ang sasakyan at mas malaki ang posibilidad na mahawa ang mga sakay kapag mayroong isang COVID positive na pasahero.

“Hindi ko alam kung anong kuwalipikasyon ng IBON Foundation para magbigay ng ganitong konklusyon. Alam ng ordinaryong mamamayan na kapag harapan ang upuan ay mas mataas ang tsansa na magkahawaan kaysa ‘yung nakaharap sa isang direksiyon,” ani Sec. Roque.

Sa ulat, sinabi ng IBON Foundation na ang traditional open-air jeepneys ay mas ligtas sa mga mananakay kumpara sa air-conditioned modern public utility vehicles (PUVs) sa gitna ng COVID-19 pandemic, subalit ang kuwalipikasyon ng naging pahayag ng IBON foundation ay kinuwestiyon ng Malakanyang.

Ang mga modern jeepney ang ipinalit sa mga tradisyunal na pampasaherong jeep dahil sa posibilidad na mas madaling mahawa ang mga pasahero sa COVID-19 dahil magkakaharap ang mga ito.

Samantala, iginiit ni Sec. Roque na ang paggamit ng modern PUVs sa gitna ng pandemic ay mas makabubuti sa mga mananakay. CHRISTIAN DALE

113

Related posts

Leave a Comment