MALASAKIT CENTER APRUB NA SA KAMARA

(NI BERNARD TAGUINOD)

INAPRUBAHAN na sa ikatlo at huling pagbasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso  ang panukalang batas na magtayo ng Malasakit Center sa lahat ng pampublikong hospital sa buong bansa.

Sa botong 185 pabor, isang kumontra at 7 ang hindi bumoto o nag-abstain, lumusot na ang House Bill (HB) 5547 ang nasabing panukalang batas na magsisilbing one-stop-shop sa pagtulong sa mga mahihirap na pasyente.

Layon ng nasabing batas na hindi na mahirapan ang mga mahihirap na pasyente na makakuha ng medical assistance sa mga ahensya ng gobyerno tulad ng Department of Health (DOH), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at  Office of the President.

Sa ngayon ay hiwa-hiwalay ang mga tanggapan ng mga nabanggit na ahensya na nilalapitan ng mga mahihirap na pasyente para sa kanilang mga bayarin sa pagpapagamot sa kanilang sakit.

Subalit sa ilalim ng nasabing panukala, lahat ng mga ahensyang ito ay magkakaroon na ng tanggapan sa lahat ng mga public hospital na obligadong tumulong sa mga mahihirap na pasyente.

Ang Malasakit Center ay unang ipinakilala ni Sen. Lawrence “Bong” Go bago ito tumakbo sa Senado.

Tulad ng inaasahan, bumoto ng kontra si Albay Rep. Edcel Lagman sa nasabing panukala dahil kinopya lang umano ng Kamara sa Senate Bill (SB) 1076 na iniakda ni Go.

 

157

Related posts

Leave a Comment