MALASAKIT CENTER BILL PASADO SA SENADO

bong go55

(NI NOEL ABUEL)

PUMASA na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang Malasakit Center bill na tiyak na mapakikinabangan ng mahihirap sa buong bansa.

Nagkaisa ang lahat ng senador na paboran ang panukala ni Senador Christopher Lawrence Go na naglalayong maging ganap na batas ang Malasakit Center para sa mga mahihirap na may sakit.

Labis ang kasiyahan ni Go  makaraang pumasa sa third at final reading ang kanyang panukalang batas na pag-i-institutionalize sa Malasakit Center.

Ayon kay Go, mas makakaasa ngayon ng  mas mabilis at maaasahang  health services ang mga mahihirap na mamamayan.

Una nang  inihayag mg senador na target nitong  malagyan ng mga Malasakit Center ang mga government-run hospital upang maging mas mabilis ang paglapit at paghingi ng tulong ng mga mahihirap na pasyente.

Sa ilalim ng Malasakit Center ay magkakasama na sa iisang  tanggapan ang mga kinatawan ng   mga ahensiya ng  gobyerno na tumutulong  tulad ng  Department of Health, Department of  Social Welfare and Development, PhilHealth, PAGCOR at ang  PCSO.

Matatandaang nagsimula ang Malasakit Center sa hometown ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao City kung saan mismong  si Go ang nakasaksi ng pangangailangan ng  mas mabilis na health services ng mga mamamayan na nag-udyok sa kanya para hangaring maipakalat ito sa iba’t ibang  lugar sa bansa.

 

234

Related posts

Leave a Comment