MALILIIT NA NEGOSYANTE EXEMPTED SA 105 DAY-MATERNITY LEAVE 

buntis22

(NI BERNARD TAGUINOD)

HINDI lahat ng working mothers ang makikinabang sa bagong batas ukol sa 105 days maternity leave dahil exempted ang mga maliliit at problemadong negosyo sa bansa.

Kasabay nito, hindi naniniwala si Makati Rep. Luis Campos Jr., na titigil na ang mga malalaking korporasyon sa pagkuha ng mga babaing empleyado dahil sa nabanggit na batas.

“We do not see the extended maternity benefit discouraging the employment of women. Men and women will continue to get hired as long as they have the skills, knowledge and personal attributes needed by employers,” paliwanag ni Campos.

Sa katunayan, maraming malalaking kumpanya ang nagbibigay na ng mahabang maternity leave at mas malaking benepisyo sa kanilang mga nanganganak na empleyada.

Ihimalimbawa ng mambabaas ang multinational business process outsourcings (BPO) na Accenture Inc, na mayroong 50,000 empleyado kung saan nagbibigay na ang mga ito ng 120 days na maternity leave.

“There is really nothing unusual about the new law, as it merely aligns our maternity leave benefit with the global standard that entered into force 16 years ago,”ayon pa sa mambabatas.

Sa ilalim ng Republic Act (RA)  11210 na nakatakdang ipatupad na sa Marso 7, 2019, magiging 105 days na ang maternity leave ang kasalukuyang 60 days at bibigyan din ng karagdagang 15 days ang kanilang asawa na bakasyon kung saan babayaran ang mga ito ng buo ng kanilang mga employer.

Gayunpaman, nabatid na exempted ang mga maliliit na negosyo sa nasabing batas na kinabibilangan ng mga tinatawag na ‘distressed establishment’, mga retail/service establishment na hindi lalagpas sa 10 ang empleyado.

Kasama din sa exempted sa batas ay ang mga ang  ‘micro-business enterprises’ na nasa larangan ng “production, processing. manufacturing of products, agro-processing, trading,services at iba pa na ang total asset ay hindi lalagpas sa P3 milyon.

“The exemptions shall be subject to an annual submission of a justification by the employer claiming exemption for the approval of the DOLE (Department of Labor and Employment),” ani Campos.

 

 

 

76

Related posts

Leave a Comment