MALLS SA HIGHWAYS IPAGBABAWAL NA

MALL NEAR HIGHWAYS

(Ni BERNARD TAGUINOD)

KAPAG naipasa ang isang panukalang batas sa Kongreso, bawal na ang pagtatayo ng mga malls, sport exhibition and convention centers at iba pang kahalintulad na establisyemento sa tabi ng highways o pangunahing mga kalsada.

Naiendorso na ni House committee on transportation chairman Cesar Sarmiento sa plenaryo ng Kamara ang House Bill 9100  “Anti-Expressway Motor Vehicle Traffic Congestion Act of 2019” na inakda ni Pampanga Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr., sa plenaryo ng Kamara para aprubahan.

Sa ilalim ng nasabing panukala, kailangang may layong 3 kilometro sa exit at entrance ng mga highway, expressway at mga pangunahing kalsada ang mga establisyementong ito na ang layon ay hindi makaistorbo sa trapiko.

Sakaling maging batas ang nasabing panukala, may parusang mula isang buwan hanggang anim na buwan at multang P500,000 sa mga may-ari ng mga estabisyemento.

“This is without prejudice to the imposition of other applicable criminal or administrative penalties to the offending public officer/s as may be provided under existing laws, rules and regulations,” ayon sa nasabing panukala.

Sa ngayon ay karaniwang nasa tabi o malapit na malapit sa mga pangunahing lansangan ang mga malls na isa sa mga itinuturong dahilan kung bakit nagkakaroon ng problema sa trapiko.

Dahil dito, kailangang ilayo na umano ang mga malls o shopping centers na itatayo sa mga susunod na panahon,  sa mga pangunahing kalsada upang hindi makaistorbo ang mga ito sa daloy ng trapiko.

164

Related posts

Leave a Comment