(NI MAC CABREROS)
LAGANAP ang child malnutrition sa Pilipinas, inihayag ng World Bank.
Sa press conference, binanggit ni Gabriel Demombynes, program leader for human development for Malaysia, Brunei, Thailand at Philippines, na isa kada tatlong bata edad lima pababa ang masasabing malnourished.
“The Philippines needs to address the high rates of malnutrition among children,” wika Demombynes at binanggit na problema na ito dekada nang nakalilipas.
Sinabi pa nito na kailangan din tutukan ng gobyerno ng Pilipinas ang edukasyon at kalusugan ng mga bata upang sa paglaki ay magiging produktibong mamamayan ang mga ito.
“The country needs to focus on these challenges while undertaking reforms for improving the country’s capacity to create more high-paying jobs and speed up poverty reduction,” diin Demombynes at binanggit na mababa ang kalidad ng edukasyon ng batang malnourish.
Sa inilabas na Human Capital Index ng WB noong nakaraang taon, nasa 55 porsyento lamang ng mga batang isinilang ngayon ang magiging produktibo paglaki.
Dahil dito, aniya, dapat paglaanan ng pondo ng gobyerno ang mga programa at proyektong magpapaangat sa human capital.
Samantala, naiulat na planong magbuo ang administrasyong Duterte ng inter-agency task force para tutukan ang kagutuman ng mga bata sa bansa. Pamumunuan ng Department of Social Welfare and Development at Department of Agriculture ang task force.
210