MANDATORY MEMBERSHIP NG OFWs SA SSS IIMBESTIGAHAN

sss ofws12

(NI BERNARD TAGUINOD)

MAGHAHAIN ng resolusyon ang militanteng grupo sa Mababang Kapulungan ng Kongreso upang imbestigahan ang mandatory membership ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Social Security System (SSS).

Ito ang nabatid kay Bayan Muna Congressman-elect Ferdinand Gaite matapos tutulan umano ng mga OFWs ang mandatory membership ng mga ito sa SSS gayong dapat aniya boluntaryo lamang ito.

“Many OFWs believe that their mandatory SSS membership is just another form of state exaction to steal away their hard-earned money in exchange for promised benefits that may not be immediately available to them, or if these benefits would ever be accessible to them at all,” ani Gaite.

Ayon sa mambabatas, habang inoobliga ang mga OFWs na magmiyembro sa SSS ay patuloy namang bigo ang mga ito na makolekta ang mga dapat kolektahin kung ang kanilang rekord ang pagbabasehan.

Nabatid kay Gaite na sa mga nakaraang SSS administration, ang koleksyon lamang ng SSS ay naglalaro sa 38-42% na isang indikasyon na mas marami ang hindi nila nakokolektang kontribusyon sa mga employers.

Sa ngayon ay umaabot sa 31 million ang miyembro ng SSS dahil 38-42% ang ang koleksyon ng SSS ay lumalabas na  12 million lamang ang nagbabayad ng kontribusyon at 19 Million ang hindi nakokolektahan.

“What complicates the current fund condition of the SSS is the alleged corruption and irregularities in the management of the workers’ fund that should also be addressed with dispatch first by the SSS hierarchy before any talk of contribution increase should be entertained,” ayon pa kay Gaite.

312

Related posts

Leave a Comment