MANGINGISDANG PINOY TINIYAK NA ‘DI MAHAHARAS NG CHINA- PANELO

(Ni LILIBETH JULIAN)

Bunsod ng ulat na insidente kamakailan hinggil sa pagtataboy ng Chinese Coastguard sa mga mangingisdang Pinoy at isang TV news team sa Panatag Shoal, tiniyak ng pamahalaan na hindi makararanas ng anumang pangha-harass ang mga Pinoy mula sa China.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, hindi makapapayag ang pamahalaan na may maganap na harassment dahil kikilos ang pamunuan ng Department of Foreign Affairs (DFA).

“Wala pong mangyayaring harassment, siguradong may gagawing hakbang dito si DFA Secretary Teddy “Boy” Locsin,” wika ni Panelo.

Sinabi ni Panelo na may free navigation sa area na noon pa man ay iginigiit na ni Pangulong Duterte kaya’t ang mismong Pangulo ang nagsabing dapat na maayos ang Code of Conduct.

Bukod pa rito ay pinanghahawakan din ng gobyerno ang arbitral ruling na una nang pumabor sa Pilipinas sa kabila ng  ayaw respetuhin ng kinauukulan sa gitna ng paninindigan ng China na sila ang nagmamay-ari ng South China Sea.

120

Related posts

Leave a Comment