MARAWI REHAB PINASISILIP NI SGMA

SGMA-5

(Ni ABBY MENDOZA)

Inatasan ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang House Committee on Disaster Management na silipin ang rehabilitation efforts ng administrayong Duterte sa Marawi City makalipas ang mahigit isang taon nang maganap ang giyera sa pagitan ng mga tropa ng pamahalaan at Maute group.

Sa pamamagitan ng oversight powers ng Kamara, gusto ni Arroyo na alamin ng  komite ang debelopment ng rehabilitasyon sa Marawi, partikular ang istatus sa housing project para sa mga biktima ng giyera.

Kabilang sa priority agenda ng komite ang pagsasagawa ng ocular inspection sa Marawi City sa Disyembre 10.

Alinsunod sa direktiba ni Arroyo, bibisitahin ng komite ang resettlement area upang busisiin ang kasalukuyang kalagayan ng mga residente sa Marawi City.

Katuwang din sa gagawing pagbisita ng Kamara ang mga opiyal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na siya namang tutugon sap ag-alam hinggil sa psychosocial effects at relief distribution sa mga biktima ng digmaan.

175

Related posts

Leave a Comment