TIGIL-PUTUKAN NG CPP-NPA PARA SA REKRUTMENT LANG?

Ceasefire

DUDA si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa sensiridad ng mga rebeldeng komunista sa pagdedeklara ng limang araw na tigil-putukan dahil naniniwala siyang gagamitin ang pagkakataon sa rekrutment ng mga kasapi ng Communist Party of the Philippines (CPP) at New Peoples Army (NPA).

Inihayag ni Lorenzana ang kanyang oposisyon sa pagpapatupad ng Christmas truce sa CPP/NPA, sapagkat magsisilbi ito sa interes nila at hindi sa mamamayang Pilipino.

“No. What for? Para makaluwag sila to regroup and to refurbish para after the ceasefire laban na naman? Para makapagdiwang sila nang bongga sa kanilang 50 years na pagpapahirap sa bayan?,” tanong ni Lorenzana.

“We are fooling ourselves about this ceasefire. A ceasefire is always in their favor, never our troops,”diin niya.

Ayon naman sa tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na si Brigadier General Edgard Arevalo, gagamitin lamang ng mga komunista ang tigil-putukan para maghikayat sila ng mga bagong kasapi at mag-regroup ang kanilang puwersa.

Ani Arevalo, “Reason natin is unang-una nakita na natin yung insincerity nila at non-compliance nila sa mga dapat gawin bahagi ng kanilang commitment to abide by the holiday truce.”

“Ginagamit lang kasi nila ‘yang mga holiday truce na ‘yan upang i-push forward ‘yung kanilang desire to recruit, desire nila na makapag-refurbish, makapag-regroup, to make them stronger after the ceasefire,” dagdag niya.

Nagdeklara ang CPP ng temporary ceasefire sa gobyerno para sa pagdiriwang ng pasko at maging sa pagdiriwang ng kanilang ika-50 taong anibersaryo sa Disyembre 26.

6

Related posts

Leave a Comment