MARCOS-BIDEN MEETING SA APEC SUMMIT MALABO

MALABO na magkaroon ng pagpupulong sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at US President Joe Biden sa sidelines ng 2023 Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit.

“No plans on this trip,” ayon kay Philippine Ambassador to Washington Jose Manuel Romualdez sa isang panayam.

Inamin ni Romualdez na may request mula sa tanggapan ni Vice President Kamala Harris na makapulong si Pangulong Marcos sa sidelines ng Summit.

“There is a request from the office of VP Kamala for sideline meeting with PBBM,” ani Romualdez.

Sa kabilang dako, nauna nang sinabi ng White House na pag-uusapan nina Biden at Chinese President Xi Jinping ang pagpapalakas sa komunikasyon at pangasiwaan ang kompetisyon kapag nagpulong ang mga ito sa sidelines ng APEC ngayong linggo.

Ang face-to-face meeting sa San Francisco Bay Area ang kauna-unahan sa pagitan nina Biden at Xi ngayong taon, mayroong high-stakes diplomacy na naglalayong pigilin ang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa.

(CHRISTIAN DALE)

83

Related posts

Leave a Comment