(NI BETH JULIAN)
SA layuning matiyak ang kapakanan ng mga Filipino Seafarers, pinag-aaralan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtatatag ng Marine Bureau.
Ang plano ng Pangulo ay nag-ugat sa mga ulat na natanggap na maging ang mga seafarers ay hindi nakaliligtas mula sa mga illegal recruiter.
“Maybe I can create the office of OFW pati ‘yung isa, meron pa ako ‘yung sa marino, a marine bureau. Ganun din ang ano… It’s always the case of a bad recruitment, starting with a bad recruitment tapos kawawa ‘yung Pilipino,” pahayag ng Pangulo.
Pero, hindi naman tinukoy ni Duterte kung ano ang pagkakaiba ng operasyon ng Marine Bureau sa Maritime Industry Authority (MARINA).
Kamakailan ay inianunsyo ng Pangulo na nais niyang maging operational na ang Department of OFW bago matapos ang Disyembre ng taong ito para na rin sa pangangalaga sa kapakanan ng mga manggagawang nagtatrabaho sa ibang bansa mula sa mga mapagsamatalang illegal recruiter.
128