MAS MAHABANG PATERNITY LEAVE INIHAIN NA SA KAMARA

paternity44

(NI ABBY MENDOZA)

MATAPOS ang pagpapalawig ng maternity leave, isinusulong naman sa House of Representatives ang pagbibigay ng mas mahabang paternity leave para sa mga tatay.

Sa inihaing  House Bill 512 ng Makabayan Bloc, layong amyendahan ang Republic Act 8187 o Paternity Leave Act of 1996 na nagtatakda lamang ng pitong  araw na paternity leave.

Sa ilalim ng panukala ay nais na mabigyan ng 30 araw na paid paternity leave ang mga tatay sa pribado at pampublikong sektor at kahit ano pa man ang kanilang employment status.

Layunin nito na mabigyan ng mas mahabang panahon ang mga ama na maalagaan ang mga bagong panganak na asawa at kanilang bagong silang na sanggol.

Ipinunto ng Makabayan Bloc sa pagsusulong ng panukala  ng kahalagahan ng suporta ng lalaki sa kanyang asawa at sa pagkakaroon ng “vital bond” ng tatay sa kanyang anak.

Hindi lamang limitado ang ibibigay na paternity leave sa mga ama na kasal sa kanilang asawa kundi maging ang hindi pa kasal sa kanilang asawa tulad ng live-in o common-law relationships.

 

185

Related posts

Leave a Comment