MASS VACCINATION VS POLIO SA SUSUNOD NA LINGGO

(NI DAHLIA S. ANIN)

MAGSASAGAWA ng mass vaccination ang Department of Health (DoH) kontra polio sa susunod na Linggo.

Kasunod ito ng pagkumpirma ng ahensya na nagbalik ang sakit na ito makalipas ng 19 na taon na polio-free ang ating bansa.

Sa panayam kay Health Undersecretary Eric Domingo, hinihikayat nito ang mga magulang na makiisa sa mass vaccination upang makaiwas sa sakit ang kanilang mga anak.

Napatunayan na umano na epektibo at ligtas ang naturang bakuna.

Mga batang nasa edad na 5 taong gulang pababa ang karaniwang tinatamaan ng naturang sakit.

Isang bata mula sa Lanao del Sur ang kumpirmadong tinamaan ng polio, ayon sa DoH.

 

149

Related posts

Leave a Comment