MATINDING EL NIÑO ASAHAN SA ABRIL 2024

elnino2

MAAARING dumating sa rurok o pinakamataas ang El Niño phenomenon sa Abril ng susunod na taon habang 63 lalawigan ang posibleng makaranas ng matinding tagtuyot.

“The drought will come one month earlier than the previous forecast of May, with two less provinces to be affected,” sinabi ng Department of Science and Technology (DOST).

“So essentially, the effects of El Niño will still be covering the first and second quarters of 2024,” ani DOST Secretary Renato Solidum Jr. sa press briefing sa Malakanyang.

“But the peak of El Niño, in terms of drought, will be April of 2024, which is slightly different from the forecast last week or two weeks ago, that it will be May,” aniya pa rin.

Iyon nga lamang, nilinaw ng DOST na ang matinding tagtuyot sa susunod na taon ay hindi tatama sa CARAGA at iba pang bahagi ng Davao Region.

Samantala, sinabi naman ni Department of National Defense Secretary Gilbert Teodoro na maglalabas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa lalong madaling panahon ng executive order na muling bubuo sa Task Force El Niño.

Ang task force, pamumunuan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, ay nakatuon sa seguridad sa tubig, pagkain, enerhiya at kalusugan at maging kaligtasan ng publiko.

“The President made this a presidential task force so that adequate importance and urgency is given the initiative,” ani Teodoro.

Para naman sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), masusi nitong mino-monitor ang water supply sa urban centers at sa agricultural sector.

Winika ni DENR Secretary Toni Yulo-Loyzaga na ang Angat Dam sa Bulacan, nagsusuplay ng potable water sa Kalakhang Maynila, sa kasalukuyan ay may sapat na suplay ng tubig dahil may water level ito na 212 meters.

Mayroon din aniyang infrastructure projects ang nakapila para sa water treatment.

(CHRISTIAN DALE)

244

Related posts

Leave a Comment