MATTEO GUIDICELLI PINITIK NG MILITANTENG KABATAAN

matteo55

(NI BERNARD TAGUINOD)

PINITIK ng militanteng kabataan ang aktor na si  Matteo Guidicelli dahil sa kanya umanong “militaristic character” matapos ang isang buwang training nito bilang Scout Ranger ng Philippine Army (PA).

Hindi nagustuhan ng nasabing grupo na kinakatawan ni Rep. Sarah Elago ang inaasta umano ni Guidicelli na umapela sa kanyang mga kasamahan sa showbiz industry na sumunod sa kanyang yapak at sinabihan ang mga kritiko ng “stop talking”.

“We appreciate it when celebrities speak out and involve themselves in politics and advocacies. However, for actor Matteo Guidicelli being a part of state and army-sponsored fascist propaganda, this ain’t it,” ayon sa grupo ni Elago.

“A month after his training as a Scout Ranger, Guidicelli has been portraying a more militaristic character in his recent statements: from openly calling the showbiz industry in following his footsteps of joining the military to openly telling a critic to just “stop talking”, the actor has been playing the role as protector and enabler of state fascism on point,” ayon pa sa grupo.

Hindi anila nasusukat ang pagiging makabansa ng isang tao na pagsisilbi nito sa Sandatahang Lakas bagkus ay nagiging bulag lang umano ang mga ito sa katotohanang nangyayari sa lipunan.

Mas nagiging makabayan aniya ang isang Filipino kung sumama ang mga itong labanan ang pag-atake sa mga karapatang pantao na lumalala umano sa kasalukuyang panahon at maging sa kabuyahan ng mamamayan na isa-isang nawawala.

“If you can serve 30 days with the military, why not try serving 30 days in a farm, a factory, in a Lumad community, or in an urban poor community to see what it’s like to struggle to be free from all forms of oppression?,” ang tila hamon ng grupo kay Guidicelli.

Dito malalaman umano ng aktor kung ano ang tunay na kalagayan ng mamamayan sa ibaba na nararapat lamang umanong ipaglaban ng mga taong may boses sa lipunan.

 

245

Related posts

Leave a Comment