MAULAN NA NOCHE BUENA

LPA

(Ni FRANCIS ATALIA)

BAGAMA’T mababa na maging bagong bagyo ang low pressure area (LPA), na huling namataan ng PAGASA sa kanilang 4am weather update sa layong 80 kilometro Hilagang-Kanluran ng Cuyo, Palawan, magiging maulan pa rin ang Noche Buena sa malaking bahagi ng bansa.

Dahil sa LPA at Hanging Habagat na umiiral sa halos kabuuan ng bansa, magiging maulap ngayong araw ang kalangitan na may mahihina hanggang sa katamtamang mga pag-uulan ang mararanasan sa Northern Luzon, Central Luzon kasama na ang Metro Manila.

Asahan naman sa Bicol Region, MIMAROPA, buong Visayas, Caraga at Davao Region ang kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat dahil sa LPA na nasa loob ng bansa.

Samantala, posibleng maging bagong bagyo ang minomonitor na isa pang LPA na namataan sa layong 1,515 kilometro Silangan ng Mindanao.

Dahil sa Amihan, nakataas ang gale warning sa northen seaboard ng extreme northern Luzon kung saan posibleng umabot sa limang metro ang mga alon.

7

Related posts

Leave a Comment