PAG-BAN SA PTA NG BATANG BULLY IGINIIT

bully

NAIS ng Philippine Taekwondo Association (PTA) na i-ban sa lahat ng events na may kaugnayan sa naturang sport ang na-kick out na batang bully ng Ateneo de Manila University.

Matapos kondenahin ng PTA ang pambu-bully ng bata sa loob at labas ng eskuwelahan ay inirekomenda na rin nilang tanggalin ang ugnayan dito matapos kumalat ang video na ginagamit ng bata ang martial arts para manggulpi at mang-harass ng mga estudyanteng walang kalaban-laban.

Inirekomenda ng PTA committee ang indefinite ban sa batang bully sa mga events na hindi lamang sa Taekwondo kundi sa belt promotion, tournament, o sa mga pasilidad na pinupuntahan ng mga miyembro ng institusyon, ayon kay PTC president Robert Aventajado./jda

6

Related posts

Leave a Comment