MAUTE-ISIS RETURNEES NAIS MAGBALIK-ESKWELA

maute12

(NI MAC CABREROS)

MAKABALIK sa pag-aaral ang isa sa adhikain ng mga dating ‘sundalo’ ng Maute brothers na sumalakay sa Marawi ilang taon nang nakararaan, inihayag ng Task Force Bangon Marawi (TFBM) at Office of the Presidential Adviser on Peace Process (OPAPP).

Ayon TFBM assistant Secretary Felix Castro Jr., nais din ng mga rebel returnees na magkaroon sila ng kabuhayan para may mapagkunan ng pantustos sa pangangailangan ng kani-kanilang pamilya.

Upang matugunan ang kahilingan, itinaguyod ng TFBM at OPAPP, sa pakikipagtulangan ng 49th at 9th Infantry Batallion ng 103rd Brigade sa Butig, Lanao Del Sur, ang deradicalization program.
Katuwang din ang Pamahalaang Bayan at Provincial Government na pinasimulan ang abaca at coffee farming sa Butig.

“When we talk about preventing violent extremism, we should focus here in Butig. This is where it all began,” pahayag Asec. Castro at binanggit na ‘isinilang’ sa Butig o dito unang iwinagayway ang bandila ng pag-aaklas ng Maute brothers at ISIS sampu ng kanilang ‘sundalo’.

Patuloy ding itinataguyod ang Duyog Ramadan para masinsinang makausap
ang mga Maute-ISIS returnees tungo sa tuluyang maapula ang apoy ng pakikibaka sa Mindanao.

Napag-alaman ng Saksi Ngayon na unti-unti nang bumabangon ang Butig kung saan pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay ng mga residente dito.

 

301

Related posts

Leave a Comment