MAY ANOMALYA SA 2018 NATIONAL BUDGET PERO NGAYON LANG IBINULGAR NI ANDAYA

ANDAYA

(Ni BERNARD TAGUINOD)

ILANG araw na lang ay matatapos na ang 2018, ngunit nitong Lunes lang isiniwalat ni House Majority leader Rolando Andaya Jr. ang nadiskubre nitong anomalya sa badyet ng administrasyong Duterte para sa kasalukayang taon.

Partikular na tinumbok ni Andaya ang P123 bilyong pondo sa flood control projects sa Sorsogon at Catanduanes.

Sa kanyang privilege speech, ibinunyag ni Andaya na P73 bilyon ang nailaan sa flood control projects, ngunit lumobo aniya ito sa P123 bilyon sa 2018 national government budget.

Ang naidagdag ay P50 bilyon, batay sa rekord ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Inihalimbawa ni Andaya ang pagkakaroon ng flood control projects sa ika-2 distrito ng Sorsogon na kinakatawan ni Rep. Deogracias Ramos Jr. at sa solong distrito ng Catanduanes na kinakatawan naman ni Rep. Cesar Sarmiento.

Umabot sa P500 milyon ang ipinasok sa distrito ni Sarmiento, samantalang P1.5 bilyon kay Ramos.

Anang majority leader, parehong hindi alam nina Sarmiento at Ramos ang isiningit na pondo sa kani-kanilang distrito, sapagkat hindi naman nila ito hiningi.

Ang nakaaalarma sa anomalya sa 2018 pambansang badyet ay napunta ito at iba pang mga proyekto sa iisang kontraktor, bulalas ni Andaya.

Idiniin pa niya na hindi taga-Region 5 ang kompanyang nakakopo ng mga proyekto, kundi nakabase sa Bulacan na pag-aari ng isang negosyante, sa halip na korporasyon.

91

Related posts

Leave a Comment