MAYOR BALDO KINASUHAN NA

mayor baldo

DOUBLE murder at multiple frustrated murder ang kinakaharap na kaso ni Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo kaugnay ng pagpaslang kay Ako Bicol Partylist Representative Rodel Batocabe.
Ito ay kasunod ng pormal na paghahain ng Philippine National Police (PNP) sa provincial prosecutors office sa Albay kahapon matapos maiugnay sa krimen si Baldo.
Bukod kay Baldo kinasuhan din ang pitong indibidwal na kinontrata nito sa krimen.
Ang pinaslang na mambabatas ay nasa huling termino na nito bilang representante ng Ako Bicol Partylist at nakatakdang tumakbo bilang alkalde na makakalaban ni Baldo sa darating na May 2019 midterm elections.(JG Tumbado)

8

Related posts

Leave a Comment