P5-M KAPALIT NG BUHAY NI BATOCABE

bato200

(NI JET D. ANTOLIN)

LIMANG milyon umano ang ibinayad ni Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo, sinasabing ‘utak’ sa pagpaslang kay Ako  Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe at sa police escort na si SPO1 Orlando Diaz, para patahimikin ang kongresista.

Si Baldo ang itinuro ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Oscar Albayalde na mastermind sa krimen matapos ang press conference sa Camp Crame, Huwebes ng hapon.

Kinontrata umano ni Baldo ang pito katao upang gawin ang pamamaslang at nagbayad ng P5-milyon para patahimikin si Batocabe na tatakbong mayor sa Daraga, Albay katunggali ni Baldo.

Sa link diagram na iniharap sa media, kabilang sa sangkot sa asasinasyon ni Batocabe ang ilang dating sundalo, CAFGU members at ilang miyembro ng New People’s Army (NPA).

Nakatakda namang sampahan na ng kaso si Baldo.

Ang pagkakalutas sa kaso ay bunsod na rin ng P50 milyong reward sa sinumang makapagbibigay impormasyon sa kaso.

Naging matibay din ang pagkakadawit kay Baldo matapos sumuko ang isa sa mga suspect na kinilalang si Christopher Cabrera, alyas Tuping, umano’y trusted bodyguard ng alkalde.

113

Related posts

Leave a Comment