(Ni FRANCIS SORIANO)
DAHIL sa patuloy na pagbabakuna ng Department of Health (DoH) laban sa tigdas, inasahan na ang pagtanggal sa tigdas outbreak alert sa ilang lugar sa bansa sa susunod na dalawang buwan
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, umabot na sa 85 to 90 percent ang nababakunahang bata na may edad 59 months hanggang anim na taong gulang sa buong bansa habang patuloy pa rin ang isinasagawang routine immunization o ang scheduling ng pagbabakuna para makumpleto na ito.
Matatandang tumaas ang porsyento ng namamatay at kasong naitala ng ahensiya itong nakalipas na linggo.
224