MECQ SA NCR TAPUSIN NA PARA SA EKONOMIYA – NEDA

0

KUMBINSIDO ang pangunahing ekonomista ng bansa na kailangang matapos na ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa National Capital Region (NCR) ngayong Mayo.

Ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Karl Kendrick Chua, kailangang makawala na sa MECQ ang NCR sa kalagitnaan o dulo ng Mayo upang makaalagwa ang ekonomiya ng bansa.

Iginiit ni Chua ang pagtatapos ng MECQ dahil napakalaki ng ambag ng NCR sa gross domestic product (GDP) kumpara sa ibang mga rehiyon ng bansa.

Panukat sa kalagayan ng ekonomiya ang GDP.

Tungkol ito sa kabuuang halaga ng nagawang mga produkto at naialok na serbisyo sa publiko sa isang panahon (isang taon o isang kwarter ng taon).

Ani Chua, hindi rin dapat bumalik pa sa ECQ ang NCR.

Idiniin ng kalihim na kailangang mabuksan ang NCR upang makakilos nang maluwag ang mga negosyante at mga manggagawa sa NCR.

Ngunit inilinaw ng kalihim na hindi nangangahulugang pabor ang NEDA na balewalain ang mga alituntunin laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19). (NELSON S. BADILLA)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment