(Ni NOEL ABUEL)
Bigo pa rin ang pamahalaan na lutasin ang mga kaso ng pinapatay sa mga mamamahayag sa bansa.
Ito ang pahayag na ginawa ni Senador Francis Pangilinan kasabay ng pag-alala sa 9-taong paghahanap pa rin sa hus-tisya sa sinapit ng 58 mamamahayag sa Maguindanao
“We can only count the years that have gone by since the massacre of 58 people in Maguindanao, but we have nothing to reckon as victory,” ayon pa kay Pangilinan.
“Nine years later, the same conditions that led to the massacre persist — the dominance of warlords and corrupt clans, the impunity of the powerful who can get away with murder, the fundamentally flawed justice system,” dagdag pa nito.
Mas malala umano ito ngayon kung saan walang ginagawa ang pamahalaan at hindi binibigyan ng solusyon ang usapin ng extrajudicial killings at mas binibigyan ng oras ang mga fake news.
“To make matters worse, we have an administration that does not acknowledge deaths due to extrajudicial killings but instead thrive on fake news and misinformation to get back at its critics. We see altered and controlled public disclo-sure to suit the purpose of the ruling power, wika ng senador.
Sa kasalukuyang sitwasyon umano ay mas nakakatakot ang pagiging mamamahayag dahil sa mga pagpatay, pananakot, at pagsu-surveillance sa mga media agencies.
103