PULIS CALOOCAN TINUTUGIS SA QC MASSACRE

Isang pulis na hinihinalang responsible sa pagpatay sa isang mag-anak sa Quezon City ang tinutugis ng mga awtoridad, ayon sa pulisya kahapon.

Sa salaysay ng mga saksi, pinaulanan ng bala ng isang pulis ang mag-asawang Romeo at Christina Ado at 10 anyos na anak habang natutulog sa loob ng kanilang bahay.

“Ongoing manhunt, identified na natin (ang suspek) at nakikipag-coordinate na kami sa kaniyang mga superior upang mapalutang ang suspek,” ayon kay Quezon City Police District director, Chief Superintendent Joselito Esquivel.

Nakatalaga sa Caloocan Police ang suspek na umano’y idinemanda ng pamilya Ado nang pagbintangan ng nasabing pulis ang pamilya na nagpapatakbo ng drug den sa kanilang tahanan.

Gayunpaman, hindi pinangalanan ni Esquivel ang naturang  pulis.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, malapitang binaril ang mga biktima pasado 11:00 ng gabi.

Nakuha sa crime scene ang 7 pitong basyo ng bala.

5

Related posts

Leave a Comment