DALAGITA IBINUGAW NA, MALALASWANG LARAWAN IPINAKALAT PA SA FB

(Ni CHE ALMADIN)

Arestado ang 43 anyos na construction worker matapos na ikalat nito sa Facebook ang mga hubad na larawan ng 15- anyos na dalagitang ibinugaw niya sa Lungsod ng Malabon kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni PO2 Mary June Belza ng Malabon City Police – Women and Children Protection Desk (WCPD),  kinilala ang suspek na si Ricky Sigovia alyas Renz Valdomar, 43 anyos ng Room 205, Bldg. II, MRV, Barangay San Roque, Lungsod ng Navotas.

Pinaghahanap naman ang kasama nitong nakilalang si Jhenel “AJ” Ramos na umano ay taga – Pabahay sa Barangay Tanza ng nasabing lungsod.

Ayon sa biktimang itinago sa pangalang Mabel, noon pa umanong Oktobre 27 naka-chat ng biktima ang mga suspek.

Nakipagkasundong makipagkita ang mga huli sa biktima.

Kumain ang mga ito at pagkatapos ay naglibot-libot hanggang sa sabihin umano ni Sigovia na inaantok na siya. Niyaya nito sa isang hotel sa lungsod ang biktima na pumayag naman. Hanggang mag-check in na sila nang hindi kasama si Ramos.

May pinainom umano sa biktima na isang juice na nang kanyang matikman ay napaka pait hang-gang sa makatulog siya. Pagkagising niya ay niyaya umano siya ni Sigovia na makipagtalik ngunit tumanggi siya.

Doon na umano niya nakitang andoon rin pala si Ramos at itinulak pa siya papasok sa palikuran kung saan naroroon si Sigovia at nakahubad.

Sapilitan siyang pinagawa ng kung ano-anong malalaswang bagay hanggang sa makapagparaos na ang mga suspek.

Ilang araw pa ang lumipas ay nagbalik normal naman ang pamumuhay ng dalagita hanggang lumi-pas ang mahigit isang linggo ay nakita na lamang nila sa Facebook ang mga malalaswang larawan niya.

Nang malaman ng mga magulang niya ang tungkol sa mga larawan ay mabilis silang humingi ng saklolo sa pulisya at agad ring nagkasa ng entrapment operation.

Kunwaring nakipagkita ang biktima sa mga suspek sa San Roque Church na nagresulta sa agarang pagkakaaresto kay Sigovia na siya lang dumating.

Pinaghahanap pa rin naman sa ngayon si Ramos.

16

Related posts

Leave a Comment