MEDIA WORKERS PINASASAMA SA BAKUNA

IGINIIT ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar ang pangangailangan na iprayoridad ang media workers sa pag-rollout ng COVID-19 vaccine sa oras na maging available na ito.

Sinabi ni Sec. Andanar na kailangan din na ikonsidera bilang frontliners ang mga media worker.

“Frontliners ‘yan. Kahit anong mangyari, ang media ay araw-araw nand’yan nagbabalita, at kailangan ng kababayan natin na mayroong nagsasalita na nagsasabi sa kanila kung ano’ng gagawin ,” ayon kay Sec. Andanar.

Nauna na kasing inanunsyo na ang first batch ng bakuna ay inaasahang darating sa Pilipinas sa ikatlo o ikaapat na linggo ng Pebrero.
Ipaprayoridad ng pamahalaan ang mga medical at government frontliners, mahihirap na pamilya at vulnerable sectors para sa bakuna. (CHRISTIAN DALE)

33

Related posts

Leave a Comment