Sa sablay na NPA list AFP INTEL CHIEF SINIBAK

SINIBAK kahapon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang Armed Forces of the Philippines deputy chief of staff for intelligence or AFP-J2 dahil sa paglalabas ng maling listahan ng mga alumni ng University of the Philippines na sinasabing miyembro ng New People’s Army (NPA).

” I am relieving MGen Alex Luna from his post as Deputy Chief of Staff for Intelligence, J2, effective today (28 Jan 2021),” sa inilabas na pahayag ng Defense Department kahapon.
Ayon kay Lorenzana, nagmula sa opisina ni Luna sa J2 ang maling listahan ng mga NPA na napatay ng militar.

Paliwanag niya, malaki itong pagkakamali at hindi pwedeng palagpasin.

Una nang sinabi ng kalihim na, tiyak na hihingi ng tawad ang AFP sa kanilang pagkakamali. “Yes, the AFP will apologize. What reason will they give? I do not know. It’s an unpardonable gaffe…” ani Sec. Lorenzana.

Sinabi ng kalihim na isa itong kapabayaan sa trabaho kaya dapat siyang mapanagot.

Kamakailan ay kumalat ang listahan ng mga NPA na napatay o ipinakulong ng militar na umani ng batikos dahil ang ibang nakabilang dito ay maling pangalanan habang ang iba naman ay buhay pa.

“We sincerely apologize for those who were inadvertently affected by inconsistencies regarding the List of Students who joined the NPA (Died or Captured) that was posted in the AFP Information Exchange Facebook account.”

” That article has since been immediately taken down or deleted from our social media accounts,” ayon sa Facebook post ng AFP Information Exchange. (JESSE KABEL)

44

Related posts

Leave a Comment