METRO 5 VIRAL KIDS ISINUKO NG MAGULANG

INIHARAP kahapon ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno “ Domagoso ang lima sa pitong kabataan na nakunan ng video nang sindihan ang tindang lobo ng nagpapahingang vendor sa Pandacan, Maynila kamakailan.

Bitbit ng kanilang mga magulang, dinala ang limang kabataan sa Manila City Hall.

Tinukoy ang mga kabataan na kinabibilangan nina Ivan Matimatico, 19; Drandeb Colon, 18; at lima pang edad 15-16, na nanunog sa biktimang si Oliver Rosales, 29, taga 24 M. Yulo St., Barangay Hagdang Bato, Libis, Mandaluyong City.

Nakaratay sa pagamutan ang biktima bunga ng tinamong mga paso.

Pinaghahanap pa sina alyas Axel at Matimatico na hindi na umuwi matapos mag-viral ang video.

Sasampahan ng kasong serious physical inury at alarms and scandal ang pitong kabataan pero sina Matematico at Colon ay may dagdag na kasong paglabag sa RA 7610 dahil ang mga ito umano ang nag-utos sa lima nilang kasama na silaban ang paninda ni Rosales. RENE CRISOSTOMO

152

Related posts

Leave a Comment