MGA KASALANAN NI DU30 ‘DI MABUBURA NG GRUPO NI GLORIA

HINDI mahuhugasan ng anomang resolusyon na ihahain sa Kamara ng pangkat ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang kasalanan sa war on drugs.

Ito ang iginiit ni Albay Rep. Edcel Lagman kasunod ng paghahain ng House Resolution (HR) 780 ng mga mambabatas sa pangunguna ni dating Pangulo at ngayo’y Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo na ipinakokondena sa kapulungan ang imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) kay Duterte.

“The alleged crimes against humanity of former President Rodrigo Duterte and his cohorts cannot be cleansed in the laundromat of the House of Representatives,” ani Lagman.

Sinabi naman ni dating Congressman Neri Colmenares na mas kailangan mag-imbestiga ang ICC dahil ang inihaing resolusyon ng grupo ni Arroyo ay patunay na walang plano ang mga ito na panagutin si Duterte sa pagkamatay ng mga inosenteng mamamayan na isinangkot sa droga.

“This reiterates that our government is unwilling and unable to investigate, and that the executive and legislative branches of government verily make justice inaccessible,” ani Colmenares.

Sumang-ayon naman si Lagman na gumagana ang hustisya sa bansa subalit hindi sa kaso ni Duterte dahil hanggang ngayon ay walang kahit isang kaso ang naisampa laban sa dating pangulo.

Dahil dito, sinang-ayunan ni Lagman si Colmenares na tanging ICC ang pag-asa para mapanagot ang mga nasa likod ng madugong war on drug na ikinamatay umano ng 6,000 hanggang 30,000 na karamihan ay marginalized Filipinos.

“Considering the default of the Philippine justice system in favor of Duterte, the proper forum now is the ICC which has jurisdiction over covered crimes committed before the Philippines conveniently withdrew from the Rome Statute at the behest of Duterte himself,” ani Lagman. (BERNARD TAGUINOD)

101

Related posts

Leave a Comment