MGA KONGRESISTA AYAW NANG PUMASOK SA KAMARA?

HINDI pinalusot ng isang militanteng kongresista ang mga kapwa mambabatas na aniya’y biglang naglaho sa plenaryo pagkatapos ng roll call.

Para kay House Assistant Minority Leader Arlene Brosas ng grupong Gabriela, halos mabakante ang buong plenaryo dahil sa aniya’y kawalan ng physical quorum para sa itinakdang pagtalakay ng mga priority bills na isinusulong ng Palasyo.

“Mr. Speaker, I would like to ask, how can we be like this? We are talking of a national framework on the national land use bill and there is no physical quorum right now,” ani Brosas.

Bagama’t may quorum sa roll call, mangilan-ngilan lamang ang naiwan sa loob ng plenaryo. Ang dahilan – mas pinili ng mahigit 200 mambabatas na dumalo na lamang sa pamamagitan ng ‘zoom.’

“Priority bill ito, so dapat makinig sa atin at magkaroon ng ample discussion on the bills itself,” ngitngit ng militanteng kongresista.

Tugon naman ni Iloilo Rep. Lorenz Defensor na tumayong majority leader sa plenaryo, umiiral pa rin naman aniya ang hybrid session na sinimulang ipatupad noong kasagsagan ng pandemya.

Sa ilalim ng tinaguriang ‘hybrid session,’ pinahintulutan ang mga miyembro ng Kamara na dumalo sa sesyon ay makipagtagisan ng argumento sa pamamagitan ng zoom.

“Although, although sinabi natin na may rules (ukol sa hybrid session) pero hindi ba nakakahiya na wala dito most of our members because we are discussing very important bill, Mr. Speaker?”

“Yung mga bata, elementary pumapasok na ngayon, hundred percent, Mr. Speaker….why not itong plenaryo,” kantyaw ni Brosas, kasabay ng hiling sa mga kapwa kongresista na dumalo ng personal sa plenaryo bilang pagpapahalaga sa mga panukalang tinatalakay sa Kongreso.

“Importante na narito yung ating mga elected representatives because these measures not only complicates the constituents in their (congressional) districts but also the national importance,” aniya pa.

“Sana in the next important measures huwag naman ganito. Ang taumbayan are looking for us tapos wala tayo dito para mag participate sa mahalagang measures na ipapasa.”

Wala rin aniyang katiyakan na nakikinig sa mga tinatalakay na paksa sa plenaryo ang mga kongresistang naka zoom. (BERNARD TAGUINOD)

153

Related posts

Leave a Comment