POSITIBO ang dalawang mambabatas mula sa majority bloc sa Kamara na makatutulong ang Corporate Income Tax and Incentives Reform Act (CITIRA) sa pagbangon ng bansa mula sa COVID-19.
Ang reaksyon ng mga mambabatas ay kaugnay ng panawagan ng Department of Finance na madaliin ang pagsasabatas ng panukalang CITIRA.
Ayon kay KABAYAN Party-list Rep. Ron P. Salo, layunin ng CITIRA na gawing mas “enticing investment location for many types of operations, from manufacturing to services” ang buong Pilipinas.
Para naman kay AKO BICOL Party-list Rep. Alfredo Garbin Jr., saktong solusyon ang CITIRA bill sa pagrekober ng Pilipinas habang naghahanap ng malilipatan ng mga operasyon at planta ang investors na naipit sa pananalasa ng coronavirus sa Asya.
US-CHINA TRADE WAR SAMANTALAHIN
Ito naman ang posisyon ni Rep. Garbin.
“Supply chains have unraveled because of COVID-19. China and the USA are in a trade war. The proposed Corporate Income Tax and Incentives Reform Act (CITIRA) has an array of countermeasures for the looming COVID-19 recession,” aniya.
Sa palagay ni Garbin, babaguhin din ng CITIRA ang dating estratehiyang pang-ekonomiya na sa mga ecozone lang naka- focus ang malalaking planta.
“The fortress approach is vanishing. Walls are coming down. No more castles on hills. CITIRA harnesses the power of our consumer market of 109 million people, the country’s economic resilience, and its highly talented workforce,” paliwanag ni Garbin, kasapi ng House Committee on Trade and Industry.
Dagdag pa ng mambabatas, kapag naging batas ang CITIRA, magiging mabisang proteksyon ito sa epekto ng COVID-19 sa ekonomiya ng mga karatig bansa ng Pilipinas.
Samantala, naniniwala si Rep. Salo na magbabago ang isip ng mga tutol sa CITIRA.
“As foreign businesses are considering to relocate elsewhere to diversify their presence and mitigate their risks, we need to immediately position our country as a viable business location,” punto ni Salo.
Inaprubahan ng Kamara ang CITIRA bill sa 3rd reading noong September 2019 pa. Nasa Senado ngayon ang panukalang batas.
Paliwanag pa ni Salo, makikinabang sa CITIRA ang lahat ng korporasyon sa bansa pati na ang mga empleyado nito dahil ibinababa nito ang corporate income tax. CESAR BARQUILLA
121