MGA PINOY SA NZ PINAG-IINGAT PA RIN NG DFA

nz12

(NI ROSE PULGAR)

PINAG-IINGAT ngayon ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang nasa 5,000 Filipino sa New Zealand matapos ang pag-atake ng isang suspect sa loob ng mosque at nagresulta ng pagkakapatay ng halos 50 katao na pinagbabaril nito.

Inatasan nitong Lunes ni DFA Secretary Teodoro Locsin si Phil Ambassador Jesus Gary Domingo na makipag ugnayan sa Philippine Honorary Consulate sa Christchurch leaders at sa mga Filipino community upang malaman kung may mga Pinoy na posibleng nadamay sa karumal-dumal na pagpatay sa mga biktima habang nagdarasal sa loob ng dalawang mosque.

Nag viral ngayon sa social media ang video kung paano pinagbabaril ng mataas na kalibre ang mga walang kalaban-laban na biktima ng nag iisang Australianong suspect na nakilalang si Brenton Harrison, 28.

Nabatid na iniharap na sa publiko ang suspect at nakangiti pa ito at nag-sign sa kanyang daliri ng “ok” na mistulang ikinagagalak pa nito ang krimen kanyang ginawa.

Agad na dinala ng New Zealand authorities sa kanilang himpilan ng pulisya ang suspect upang masampahan ng kaukulang kaso.

115

Related posts

Leave a Comment