MINOR OFFENSE TATAPATAN NG COMMUNITY SERVICE

service

(NI NOEL ABUEL)

INIREKOMENDA ng Senate Committee on Justice and Human Rights na ipatupad ang community service sa halip na pagkakakulong sa minor offenses.

Ito ang sinabi ni Senador Richard J. Gordon, kung saan  sa Senate Bill No. 2195 na nakapaloob sa Committee Report 621, na nagsusulong para mabawasan ang jail decongestion nationwide.

“The community service envisioned in the measure consists of any action or physical activity, which inculcates civic consciousness intended toward the improvement of public work or promotion of public service,” ani Gordon.

Sa ilalim ng Revised Penal Code, ang pagkakakulong na arresto mayor ay katumbas ng isang buwan at isang araw hanggang anim na buwan habang ang arresto menor ay isang araw hanggang 30 araw.

Giit ni Gordon ang panukala ay napapanahon na rin lalo na at ang jail congestion rate sa bansa ay nasa 436 porsiyento dahilan upang mailagay ang Pilipinas na ikalawa sa buong mundo na may pinakamaraming na nakakulong kasunod ng bansang Haiti.

“This will give them a chance to change, rehabilitate and reintegrate themselves into the community,” sabi ni Gordon.

72

Related posts

Leave a Comment