HINDI kasama ang mga minor de edad sa mga papayagang magrehistro ng SIM card na magsisimula sa huling linggo ng buwang kasalukuyan.
Nakasaad ito sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Sim card Registration Law na inilabas ng National Telecommunications Commission.
Ayon kay NTC consultant Edgardo Cabarios, dapat ipangalan sa magulang ang SIM card na pagmamay-ari ng minor at kailangang may written consent.
Pinapayagan din ang mga guardian na magrehistro para sa mga minor.
Simula Disyembre 27 ay ipatutupad na ang Sim card Registration Law kaya obligado nang irehistro ang SIM upang maiwasang ma-deactivate sa susunod na taon.
