(NI AMIHAN SABILLO)
BLANGKO pa ang Armed Forces ukol sa ulat na missile launch ng China sa South China Sea.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, sinabi nito na hindi pa nakararating sa DND ang ulat na ito ng media.
Dahil dito, magsasagawa, aniya ng imbestigasyon para makapagdesisyon ng kanilang susunod na hakbang.
Napag-alaman na una nang tinawag ng Pentagon nitong Martes na nakababahala ang missile launch ng China at taliwas sa pahayag nito na iiwasan nila ang militarisasyon sa naturang karagatan.
Ayon pa kay Pentagon spokesperson Lieutenant Colonel Dave Eastburn, malapit lang sa Spratlys ang missile test ng China at hindi posibleng maka-intimidate sa mga kalapit bansa.
Wala pa namang pahayag ang AFP ukol dito.
Matatandaan na bago ang missile test, umiiral ngayon ang trade war sa pagitan ng China at US.
131