‘MISTAKEN IDENTITY’ TINUTUGUNAN NG PNP

pnp1

(NI NICK ECHEVARRIA)

ISINUSULONG ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang modernisasyon ng kanilang pamamaraan at mga kagamitan para palakasin ang kanilang kakayahan sa mga real-time validation ng mga impormasyon partikular sa mga taong pinaghahanap ng batas.

Ito ang ipinahayag ni PNP spokesperson P/Col. Bernard Banac para tulungan ang kanilang mga operating units sa pagpapatupad ng batas at masigasig na pagtugon sa mga kautusan ng korte laban sa mga wanted person nang naaayon sa batas at may paggalang sa karapatang pantao.

Ginawa ni Banac ang pahayag matapos ang maling pag-aresto ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Regional Force Unit 9 sa isang kolumnista ng Davao Online Today na si Fidelina Margarita Valle sa Laguindingan Airport.

Nauna ng humingi ng pang-unawa si CIDG Regional Chief P/Col. Tuzon sa maling pagkakaaresto ng kanyang mga tauhan kay Gng. Valle na isang mistakeen identity.

Maging si PNP Chief General Oscar Albayalde ay umamin na may mga pagkakataon na nangyayari ang ganitong insidente ng maling pag-aresto lalao pa nga at hindi sigurado ang complainant sa pagkakakilanlan ng itinuturong suspek

157

Related posts

Leave a Comment