MMDA: ITIGIL ANG PAGTUTURUAN SA LUMALALANG PROBLEMA SA MASS TRANSPORTATION SYSTEM

MMDA Spokeperson Celine Pialago

(Ni LYSSA VILLAROMAN)

Nanawagan si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Asssitant Secretary at spokesperson Celine Pialago na ihinto ang pagtuturuan sa lumalalang prob-lema sa mass transportation system sa bansa.

Sinabi ni Pialago na ihinto na ang pagtuturuan at dapat ay magtulungan na lamang  ang lahat para matugunan ang transportation issues.

“Can we stop the hate? Please, let’s stop the hate and let’s help each other para matugunan ho natin itong lahat,” ani Pialago.

Ayon kay Pialago sa kanyang palagay ay masyadong ‘mabigat’ ang pagtawag na ‘krisis’ sa nararanasan sa transportasyon.

Sinabi pa nito na kung ganito  ang nararamdaman ng mga mamamayan ay igina-galang naman ito ng MMDA.

Kasabay nito ay tiniyak naman  ni Pialago na may ginagawa ang gobyerno para tugunan ang problema.

Binanggit din ni Pialago na  walang kapangyarihan ang MMDA sa paggawa ng mga polisiya para solusyonan ang problema sa trapiko dahil kinakailangan pa itong apru-bahan ng Metro Manila Council na binubuo ng mga alkalde ng Metro Manila ang ka-nilang mga suhestyon.

Matapos maaprubahan ang isang polisiya, sinabi naman ni Pialago na pwede itong ihinto ng korte na isa pang balakid sa MMDA.

Ayon kay Pialago na ilan sa mga polisiyang ipinatupad ng MMDA ngunit ipinahinto ay ang driver-only car ban at provincial bus ban sa EDSA.

160

Related posts

Leave a Comment