(NI ABBY MENDOZA)
“WALANG delikadeza si Mocha!”
Ito ang inihayag ni Gabriela Partylist Rep Arlene Brosas matapos umanong tanggapin ni Mocha Uson ang alok ni Pangulong Rodrigo Duterte sa bagong posisyon gayong nasa batas ang isang taon na pag-ban sa mga talunang politiko na umupo sa anumang posisyon sa gobyerno.
Kasabay nito, suportado ni Brosas ang pagbabawal sa pagtatalaga sa gobyerno ng mga talunang partylist nominees isang taon matapos ang eleksyon.
Ayon kay Brosas dapat sakop ng ban hindi lamang ang mga political candidates kundi maging mga partylist nominees.
Tinuran nito ang kaso ni dating PCOO Asst Secretary Mocha Uson na itinalaga agad bilang Deputy Executive Director Overseas Workers Welfare Administration gayong first nominee ito ng AA-Kasosyo Partylist na hindi nakalusot noong 2017 midterm election.
Aniya sa kaso ni Uson ay malinaw na ginamit ang kapangyarihan ng ehekutibo para sa pamumulitika at naging daan pa ito para makapasok sa pamahalaan ang mga indibidwal na sumisipsip at tumatalima sa kagustuhan ng presidente.
Ani Brosas wala ding delicadeza si Uson nang agad na humingi at tinangap ang posisyon sa OWWA kahit wala pang 1 taon.
Una nang sinabi ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon na kanyang ipanunukala na isama sa 1 year ban ang mga natalong nominees sa partylist groups at hindi lamang sakop ang mga political candidates.
“Unsuccessful party list nominees should be treated like other losing candidates who are covered by a yearlong ban on being appointed to political office. They should not be a favored class because they are not a protected class,” nauna nang pahayag ni Guanzon.
496