MONITORING SA PERSONALIDAD SA MATRIX KINONTRA

matrix12

(NI BETH JULIAN)

SA kabila ng paglabas ng matrix na nagdadawit sa mga mamamahayag sa umano’y planong pagpapabagsak sa pamahalaan at pagpapatalsik sa puwesto kay Pangulong Rodrigo Duterte, kinontra ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na isinasailalim sa monitoring at surveillance ng ibang bansa ang mga Filipino lalo na ang mga mamahayag at iba pang grupong kritikal sa administrasyong Duterte.

Katwiran ni Panelo, palitan lamang ito ng intelligence information sa pagitan ng magkakaibigang bansa.

Nang tanungin  kung walang problema ang ginagawang ito ng mga dayuhan, sinabi ni Panelo na hindi niya alam kung surveillance talaga ang nangyaring ito na naging basehan sa inilabas matrix.

Dagdag pa ni Panelo, marahil aniya ay apektado rin ang seguridad ng hindi tinukoy na bansa  kaya ito nangangalap ng intelligence information laban sa ilang Filipino.

Una nang inilantad ng isang pahayagaan ang nilalaman ng nasabing matrix kung saan isinasangkot sina Ellen Tordesillas, Presidente ng Vera Files, Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ), Rappler at National Union for People’s Lawyers (NUPL).

 

68

Related posts

Leave a Comment