MORALES BAGONG PHILHEALTH PREXY

philhealth12

(NI BETH JULIAN)

MAY bago nang presidente ang PhilHealth.

Nitong Huwebes, inianunsyo ng Malacanang na ipinuwesto na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Ricardo Morales, dating MWSS chief, bilang pinuno ng PhilHealth.

Si Morales ay pumalit kay Dr. Roy Ferrer na una nang pinaghain ng courtesy  resignation ni Pangulong Duterte matapos sumabog ang isyu ng ghost dialysis scam.

Si Morales ay isang retired Army General na kasapi ng dating Reform the Armed Forces Movement (RAM).

Napag-alaman na ang unang doktor na inalok ni Pangulong Duterte  na si Jaime Cruz para sa puwesto ay dinala pa rin sa PhilHealth ngunit bilang board member.

Si Morales ay papalitan ni retiring Northern Luzon Command Conmander na si Lt. General Emmanuel Salamat sa MWSS. Si Salamat ay magreretiro sa Hulyo 15 sa pagigng sundalo.

152

Related posts

Leave a Comment