MOTORCYLE-FOR-HIRE GAWING LEGAL — SOLON

angkas55

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

IGINIIT ni Senador Sonny Angara na gawin nang legal ang motorcycle for hire sa gitna ng matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko sa Metro Manila.

Sinabi ni Angara na malaking tulong para sa mga commuters ang mga motorcycles-for-hire o ‘habal-habal’ para sa kanilang pagtungo sa kanilang mga destinasyon.

Sa ngayon aniya maituturing pa ring iligal ang motorcycle-for-hire sa ilalim ng Land Transportation and Traffic Code, na sumasaklaw sa registration at operation ng lahat ng motor vehicles.

“Commuting in Metro Manila has become very challenging. A typical commuter has to allocate at least two hours to get to work or school and that is if their regular modes of transport are available. What if the MRT breaks down? Kulang pa ang 2 oras mo sa byahe,” saad ni Angara.

“Tulad nitong nangyari sa LRT-2 na nasunog. Libo libong Pilipino ang naperwisyo nito at karamihan sa kanila ay habal na ang sinasakyan para mas mabilis makarating sa destinasyon nila at mas mura din ito kumpara sa Grab,” dagdag ng senador.

Sa ilalim ng Republic Act 4136 o Land Transportation and Traffic Code, pinapayagan ang rehistro ng mga motorsiklo bilang pribado o gamit ng gobyerno subalit pinagbabawal na maging for hire.

“However, individuals and even unaccredited transport groups, continue to utilize motorcycles for public transport despite explicit prohibition of such operation under the same law,” giit ng mambabatas.

“The demand for this service simply cannot be ignored, which is why I have filed a bill seeking to legalize the operation of motorcycles-for-hire,” diin pa nito.

Alinsunod sa Senate Bill 1025 ni Angara, aamyendahan ang Land Transportation and Traffic Code upang payagan ang mga motorsiklo na mairehistro bilang ‘for hire’ subalit limitado sa minimum engine displacement na 125 cubic centimeters at backbone-type built.

Wala rin dapat modifications na gagawin sa mga motorsiklo maliman na lamang sa paglalagay ng motorcycle luggage carriers, saddlebags, step boards o foot pegs at speed limiter at monitoring device.

 

171

Related posts

Leave a Comment