MURA, MAAYOS NA CANCER MEDICAL TREATMENT OK NA

treat

(NI LILIBETH JULIAN)

GANAP nang batas ang Cancer Control Act.

Ito ay matapos opisyal nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11215 o National Integrated Cancer Control Act.

Layunin ng nasabing batas na bumalangkas ng mga alituntunin sa pagpapatupad ng gobyerno ng isang malawakang kampanya laban sa sakit na cancer.

“The new law “shall adopt an integrated and comprehensive approach to health development which includes the strengthening of integrative, multidisciplinary, patient, and family centered cancer control policies, programs, systems, interventions and services at all levels of the existing health care delivery system,” pahayag ng Malacanang.

Sa ilalim ng National Integrated Cancer Control Program,  mabibigyan ng mura pero maaayos na cancer medical treatment ang mga may sakit na cancer.

Layun din ng naturang batas na mapigilan ang lumalalang bilang ng namamatay dahil sa sakit na cancer.

Napag alaman na base sa talaan ng Department of Health mula sa Philippine Cancer Facts and Estimates Report, nasa walong kabataan araw-araw ang namamatay dahil sa childhood cancer habang 11 nakatatanda kada araw ang namamatay sa cancer.

 

231

Related posts

Leave a Comment