PROTEKSYON SA BATANG NAIIPIT SA GIYERA BATAS NA

bata

(NI LILIBETH JULIAN)

MABIBIGYAN na ng sapat na proteksyon ang mga menor de edad  na masasangkot sa mga amred conflict gaya ng sagupaan ng gobyerno at mga armadong grupo, matapos pormal nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11188.

Ang RA 11188 ay ang batas na naglalayong palawigin ang proteksyon sa mga menor de edad na naiipit o nasasangkot sa mga sagupaan, saan nakapaloob dito na higpitan ang mga parusa sa mga krimen gaya ng pagpatay, torture, rape at iba pang sexual abuse sa mga menor de edad.

Dito ay papatawan ng parusahang reclusion perpetua o habambuhay na pagkabilanggo at multang aabot sa P5 million ang sinumang mapatutunayang nagkasala.

Maaari naman makulong ng mula 14 hanggang 20 at patawan ng multang P2 million ang sinumang dudukot o mangho-hostage ng mga bata, magbibigay ng hindi makataong trato sa kanila o i-recruit silang sumali sa armadong grupo.

Maging ang mga aatake sa paaralan, ospital, simbahan, evacuation center, recreation parks, palaruan at iba pa kung saan target ang mga bata ay mapapatawan din ng kaparehong parusa.

Samantala,  ganap na ring batas ang Secondary School Career Guidance and Counseling Act o RA 11206 na nilagdaan na rin ng Pnagulo.

Ang Department of Education (DepEd) ang mangunguna sa career guidance and counseling program katuwang ang Commission Higher Education (CHED), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Trade and Industry (DTI), National Economic Development Authority (NEDA) at Parent-Teachers Associations.

Sa pamamagitan nito, magging katuwang ng mga kabataang estudyante ang mga nasabing ahensya para sa pagpili ng kanilang maayos na pagpasok sa kolehiyo.

172

Related posts

Leave a Comment